Hindi lang kay Baron Geisler? KALAT NA: NADIA MONTENEGRO, MAY ANAK DIN KAY WENDELL RAMOS
Tiyak na pag-uusapan na naman ang lumabas na compilation ng mga Gretchen Barretto issues sa May issue ng Yes Magazine.
Bahagya naming nabasa ang ilang bahagi ng 14-page article tungkol kay Gretchen at dito lumabas ang tunay na nangyari sa naging paghaharap noon nina Greta at Nadia Montenegro sa Rembrandt Hotel kung saan nagkaroon ng mainitang komprontasyon.
Sa lumabas na article, totoong pinakain ng mura ni Gretchen ang dating kaibigan na ngayon ay mortal na niyang kaaway.
Ilang bahagi ng litanya ni Greta kay Nadia, "P_ang ina mo, p_ki ng ina ka! 'Yang collateral ng bahay mo, binayaran ko! May anak din ako! Okay, fine, I had an affair with this man (indicating Dodie Puno), pero I loved him!"
Nadawit din ang pangalan nina Wendell Ramos at Baron Geisler sa nasabing artikulo kung saan may insinwasyon na may anak si Nadia sa dalawang lalaki, pero hindi naman nabigyang-linaw at katibayan kung paano at kelan ito nangyari.
Hindi pa namin alam kung nakarating na kay Gretchen ang mga nilalaman ng nasabing artikulo. Pero tiyak, pag-uusapan at magiging kontrobersiyal na naman ang dalawang aktres sa mga susunod na araw.
Kung sino ang unang magsasalita, 'yan na lang ang abangan ng lahat!
Halaw sa panulat ni Janice DS Navida sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, April 24, 2008.






Hi there! You are invited to to participate in a blogging FGD conducted by a team from dot ph domain (i.ph) . Tentative date would be April 29 (Tuesday) after office hours, around 630 onwards. FGD will last for approximately 2 hours. Snacks will be provided. Please leave a msg on my board so we can discuss details as to when you are free :) Thanks! :)
Anonymous said...