TV HOST-ACTOR NAGLADLAD NA SA BORACAY
Ano na kayang nangyari sa "investment" business ni Paolo Bediones?
Meron kasing mga taga-showbiz ang narahuyong ilagay ang kanilang hard-earned money sa nasabing negosyo, pero tila natulog lang ang kanilang pero doon. Ang masakit pa, hindi nila sigurado kung maibabalik pa ang kanilang puhunan.
Hanggang ngayon ito pa ang isa sa mga mainit na issues sa showbiz. Believe rin naman ako kay Paolo dahil hindi ko pa siya napanood sa mga talk shows na tulad ng Star Talk at Showbiz Central, at maging sa news program na 24 Oras tungkol sa negosyo ni Paolo.
Nabanggit man minsan ito, wala ng follow up news para malaman ng publiko kung ano ang naging kapalaran ng mga nag-invest.
Naibalik na ba ang mga pera ng mga problemadong investors? Nabigyan na ba sila ng kahit konting tubo ng kanilang daan-daang libong puhunan?
Baka naman sa The Buzz o TV Patrol na natin mapanood ang tungkol dito.
*************************************************************************************
Isa na namang TV host-actor ang nasesyeteng nagladlad na at doon pa sa Boracay. Sabi nila'y may kasamang pogi ang TV personality noong nagbakasyon doon this summer.
Ang mga makasalana't malisyosang mata nga naman. Makita lang kajoin ang isang handsome friend, pinaghihinalaan nang lovers. Hindi naman kailangan parating chicks ang kasama kapag namamasyal sa mga lugar na tulad ng Boracay!
Halaw sa panulat ni Ernie Pecho sa kanyang column sa Diyaryong Pang-Masa, Mayo 1, 2008.






0 comments:
Post a Comment