NAGTATAKA naman kami kung bakit nababalita ang pananakit ni Derek Ramsey sa girlfriend niyang si Angelica Panganiban lately.

Ang sabi hindi lang daw minsan nangyari ang sitwasyon na 'yon kundi maraming beses na raw nagaganap ang ganu'n sa young actress. Nabulgar na lang ito nang mag-confess daw si Angelica sa isang close friend sa ginagawang pananakit sa kanya ni Derek.

Anyway, a trusted source revealed to us grains of truth regarding this issue na ikinagulat namin.

"May nakilala si Angelica na isang rich Chinese businessman at naging ardent suitor ito ng actress," pagtatapat ng aming kausap.

"Of course, hindi 'yon nagustuhan ni Derek kaya kinompronta niya agad-agad ang kanyang girlfriend. Deny-t-death naman ang aktres saying na the guy was just an acquaintance na nanliligaw sa kanya.

"Wala na sanang magiging problema pero nagpatuloy ang panliligaw na 'yon hanggang sa ngayon, much to Derek's disappointment."

Heto pa ang shocking news.

"Ang hindi maganda sa sitwasyon, mukhang pabor ang parents ni Angelica du'n sa Chinese suitor ng anak nila lalong-lalo na ang kanyang ina. Huwag mong isnabin, very generous 'yung guy. Grabe kung magregalo talaga. Mga mamahaling alahas at kung anu-ano pang maisipang ibigay."

Ngayon, magtataka pa ba kung bakit ganu'n na lang ang pagseselos ni Derek na kadalasan ang maiinit nilang pagtatalo ni Angelica ay sa umbagan natatapos? Ha! Ha! Ha!

Hay naku, kataka-taka ba ang ganitong senaryo? Sa nobela man o sa tunay na buhay, ganito ang harsh reality na hinaharap ng tao. And Angelica's parents are no exemption. Siguro, gusto lang nila malagay ang kanilang anak sa maganda at dahil sa hirap ng buhay ngayon. Ika nga, walang kasiguruhan ang mga artista sa showbiz.

Sa panig naman ni Derek, kung talagang mahal niya si Angelica, patunayan dapat niya habang dumadaloy ang panahon. Kung para nga sila sa isa't isa.

Halaw sa panulat ni Joey de Castro sa Diyaryong Bomba, May 19, 2008.