MALAKAS talaga ang dating ni Bea Alonzo sa mga tibo. Kahit saan kami magpunta ay siya ang inuusisa sa amin ng mga katropa ni Mercy D' Great, nakikipagkaibigan daw sa sa tibo si Bea?

Kahit sabihin pa naming panlalaki si Bea at hindi pangkanila ay tuloy pa rin ang kanilang mga tanong, sobrang lakas daw kasi ng appeal sa kanila ng magandang aktres, type na type nila si Bea.

"Nu'ng minsan, nakita namin siya sa mall. Wala siyang make-up, may kasama siyang alalay. Gustung-gusto na namin siyang lapitan, kakamayan lang namin siya, ia-appreciate lang namin ang ganda niya, pero nakahiyaan namin siyang i-approach," sabi pa ng tropang kumausap sa amin.

Dahil hindi nga puwede ang kanilang gusto ay nabubuhay na lang sa ilusyon ang mga tibo na nagkakagusto kay Bea, kapag nag-tetext sila sa amin ay ganito ang kanilang mensahe, "Ikumusta mo na lang ako sa imaginary love kong si Bea."

Ha! Ha! Ha! Ha!

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar, May 26, 2008.