Sa The Buzz last Sunday ay nagsalita na si Precious Lara Quigaman na ang dahilan ng pagkakatanggal niya bilang co-host sa Wowowee ay nagdala siya ng boyfriend sa show nila sa Hawaii.

Ani lara ay hindi naman daw niya alam na may ganitong rule na mabilis namang nilinaw ng host na si Boy Abunda na hindi ito company rule at marahil isa lang 'house rule.'

Baka naman Willie Revillame's rule ang dapat itawag?

Well, siguro'y dapat maging lesson na ito sa lahat ng magiging co-hosts ng said noontime show. Dapat ay alam nila kung gaano kaseloso at ka-possessive si Willie pagdating sa kanyang mga co-hosts.

Remember na natsugi si Roxanne Guinoo noong time na naglalagare naman ang young actress sa WWW at sa kanyang teleserye?

At muntik na nga rin si Mariel Rodriguez kung hindi pa siya lumabas agad sa Bahay ni Kuya noong time naman na maging celebrity guest siya sa PBBCE2.

Too bad, hindi pala alam ni Lara ang do's and don'ts sa Wowowee.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa Diyaryong Bulgar, May 27, 2008.