MAGPAKATOTOO KA, AGA MUHLACH!
Tumaas ang aming mga kilay nang malaman namin na dine-deny ni Aga Muhlach na there was a time in his movie career na tinanggihan niyang makatambal si Judy Ann Santos para sa isang Star Cinema project.
So, ang ibig ba niyang sabihin na gumagawa ng kuwento ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo at ginagamit lang ang pangalan niya para magkaroon ng isyu?
That was the time na Aga Muhlach was on top of the heap at hindi pa sumusulpot si Richard Gutierrez sa eksena. Ang alagang ito ni Ethelwolda Ala Ramos ang siyang original choice kapag mga leading man ang kailangan ng major movie outfit tulad ng Regal Films, Viva Films at Star Cinema.
Pinalalabas ngayon ng kampo ni Muhlach na "gumaganti" raw si Juday sa aktor by way of refusing to do a movie with Aga, na ang hitsura ay halatang tumanda na rin sa paglipas ng panahon.
Kung meron mang aktres na dapat tumanggi na makasama si Muhlach, 'yon ay si Anne Curtis na mas bagay kasi silang mag-ama at hindi magsyota, devaH? Ha! Ha! Ha!
Kailanman hindi naging benggadora ang main star ng "Ploning" at ito'y napatunayan namin. Judy Ann Santos might not be a perfect person, but she is a thorough professional at alam na alam niya ang kalakaran ng showbiz at demands ng propesyon na pinasok niya.
Sa halip na mag-generate ng public sympathy si Aga Muhlach mula sa masang Pinoy, na karamihan ay Juday avid fans, lalo pang na-turn off sa kanya.
Kahit saan man anggulo sipatin si Aga, gumugurang na siya. Nagsulputan na ang mga male starlet na bata, sariwa at makatas at kung hindi magpapa-enhance ng kanyang byuti ang alagang ito ni Ethelwolda, aba, makuntento na lang siyang gumanap na kuya, tiyuhin o tatay ng mga ito. Tama ba kami, mahal naming patnugot? (Mismo! Ed)
Halaw sa panulat ni Joey de Castro ng Diyaryong Bomba, Mayo 2, 2008.






0 comments:
Post a Comment