Na-witness namin kung paanong nagkagulo, hindi magkamayaw sa saya at nagsisigawan ang mga fans sa excitement nang makita sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa kanilang naging mall tour last Sunday sa The Block sa SM North.

Grabe ang suporta at pananabik ng mga tagahanga sa magka-love team na pinakaaabangan at sinusubaybayang Lobo ng ABS-CBN!

At kinikilig ang mga fans at nagtilian nang husto nang ipaalala ng host ng mall tour, ang komedyanang si Dang Cruz, ang naging eksena sa Lobo nang rumampa nang pagkaseksi-sexy sina Lyka at Noah.

Nangako naman sina Piolo at Angel na lalo pang kaabang-abang ang mga masasaksihan nating eksena sa Lobo sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong July.

Talagang ibinubuhos daw nilang lahat ang kanilang makakaya para mapaganda at magustuhan ng mga followers ang kanilang teleserye.

Samantala, kung may nagke-claim man na dumarami ang commercials ngayon ni Marian Rivera, 'yun ay dahil sa pagtanggi ni Angel sa ilan sa mga 'yun, na dapat lang nilang ipagpasalamat.

Pero ang sigurado lang, tapos ang kontrata ni Angel sa anumang produkto niya at desisyon niya kung ayaw niyang i-renew. Basta ang sigurado, may kapalit 'yun at hindi lang isa, take note!

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa Diyaryong Bulgar, May 20, 2008.