Misis ni William Martinez, nahihiya lang umamin...BARON GEISLER, MARAMI PANG KAHALAYANG GINAWA KAY YAYO AGUILA BUKOD SA PAGHALIK SA LEEG

NAHIHIYA lang siguro si Yayo Aguila na idetalye ang mga ginawang hindi kagandahan sa kanya ni Baron Geisler nu'ng magkasama pa sila sa PBB house, ang sinabi lang niya ay ang panghahalik nito sa kanyang leeg, pero kung nabigyan ng pagkakataon ang aktres ay mas malalim pa siguro kesa ru'n ang kanyang ibubulgar.
Dugo at laman ni Yayo si Patrizcia na nagsampa ng kasong acts of lasciviousness laban kay Baron, natural lang na suportahan niya ito sa laban, pero bukod du'n ay nangingibabaw din ang pagkakilala niya kay Baron kapag lasing na ang aktor.
Alam na alam niya 'yun, ilang buwan silang nagkasama minu-minuto, oras-oras, araw-araw sa Bahay ni Kuya. Alam niya ang kapasidad ni Baron kapag nakainum na, kaya anuman ang sabihin nito ngayon ay hindi paniniwalaan ni Yayo, parang nagsalita lang sa hangin si Baron sa kanyang mga paliwanag.
Isang bagay na ipinagpapasalamat ng marami ay naganap ang insidenteng ito na medyo may-edad na si William, kung nangyari ito dalawang dekada na ang nakararaan, siguradong nakatikim si Baron ng ayaw nitong matikman mula kay William.
Kontrolado na ngayon ni William ang kanyang emosyon, hindi na mabilis ang mga kamao nito, kaya masuwerte pa rin si Baron.
"Basta, anuman ang mangyari, we support Patrizcia. Kasama niya kami sa laban, we're all here for her," mariing pahayag ni Yayo Aguila.
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa Diyaryong Bulgar, May 27, 2008.






0 comments:
Post a Comment