Nakakatawa ang hitsura ng host ng programang Songbird na hosted ng babaing nagtakwil ng sariling pamilya, na si Regine Velasquez ang nawawalang si Norma Calusin Zacarias ng Infanta at Polilio, Quezon.

Halatang, pinipilit ng mang-aawit na homewrecker na magmukha siyang bata sa boob tube. At dahil sa kanyang pagnanais na itago ang tunay niyang hitsura sa kanyang edad, kung anu-anong burloloy ang ipinaglalagay niya sa kanyang damit at ayos ng kanyang hair and make-up. Napaka-VTH (very trying hard) ng dating!

Pati ang kanyang mga kasuotan ay hindi rin niya inilalagay sa ayos na talagang napakalayo sa kanyang hitsura sa kanyang malapad na mga braso at sobrang lapad na balakang. (Manang mana talaga siya sa kanyang nasirang ina na si Aling Remedios Calusin, ma pumanaw na hindi man lang sila nagkita ni Matot, palayaw ni Norma.)

Pati ang kanyang choice of songs ay tila pawardi-wardi lang at hindi niya pinag-iisipang mabuti kung babagay ba sa kanyang estado.

At isa pa, kapag nakikita ng teeve audience si Regine, hindi talaga maalis sa kanilang utak ang ginawa nilang panloloko ni Ogie Alcasid sa fans at sa entertainment press, na sa loob ng apat na taon ay kanilang pina-ikot ang mga ito sa kanilang ginawang kataksilan sa mag-iinang Michelle Van Eimereen, na walang kamalay-malay, na pinagtataksilan na pala siya ng kanyang bansot na asawa at ng mang-aawit na impostora.

Mabalik sa naturang TV program, kung sino man ang naka-isip sa pagbibigay ng programa sa alibughang anak na si Regine, para silang naghanap ng bato na ipinukpok sa kanilang ulo.

Ngayon pa lang, masasabi kong sa malao't madali ay maglalahong parang bula ang naturang teeve show.

Halaw sa panulat ni Art Tapalla sa Diyaryong Bulgar, May 26, 2008.