NASA 'Pinas na ulit sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista matapos ang pagte-taping sa Dubai para sa bago nilang serye sa GMA-7, ang Codename: Asero. May natanggap kaming text na sweet na sweet sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) ang dalawa nang dumating. Ang aga namang promo para bigyan ng love angle ang mga ito. Ayaw ni KC Concepcion ng ganyan.

Nakatsikahan namin ang isang insider sa serye. Talagang naging close raw ang buong cast ng Asero, pero 'wag bigyan ng malisya ang sweetness nina Chard at Heart dahil nasa iisang kuwadra lang sila. Si Heart ay mina-manage ngayon ni Tita Annabelle Rama.

Anyway, tuwang-tuwa ang mga kapuso staff dahil hindi raw sila nagkaroon ng problema kay Heart. Unang tingin sa aktres ay maarte pero sobrang bait daw nito sa taping.

Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa Diyaryong Bulgar, May 21, 2008.