SHARON CUNETA, GUSTONG MAGING NINANG SA KASAL NINA JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO
Sa November 5 daw ang nakatakdang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Isa sa mga artistang malapit kay Juday si Sharon Cuneta. Naging close sila nang gawin nila ang pelikulang "Magkapatid". Mula noon, madalas na silang mag-usap at magtawagan.
Sabi ni Sharon: "Wala namang ibinabalita sa akin ang sis ko tungkol diyan. Dahil kung sinabi lang niya, puwede akong magprisintang ninang nila, kung sakali."
Nagulat lang si Sharon sa date ng kasal. "November 5 din ang birthday ni Gabby, a!" referring to her ex-husband Gabby Concepcion. Pero ang magsimula nang magtanong ang reporters tungkol sa aktor, siya mismo ang nagpahinto rito. "No more questions about him. Hindi naman siya kasali sa 'Caregiver'. Saka nakakahiya sa wife niya at sa husband ko kung pag-uusapan pa natin siya."
Balik kina Ryan at Juday ang tanong. Ano ang feeling ni Sharon kung ikakasal na nga ang dalawa? "I am really very happy for both of them. Una, bagay sila and their relationship is blessed, kasi, everytime na magkasama sila sa pelikula, kumikita ito. Good match silang dalawa sa isa't isa. I am happy for Juday particularly. It is high time na mag-settle down na siya talaga."
Halaw sa panulat ni Arthur Quinto sa Diyaryong Bomba, May 19, 2008.






0 comments:
Post a Comment