Tulad ng iba pang kasama sa cast ng Dyesebel na nahihirapan sa bawat taping day dahil sa mga underwater scenes ay ganoon din ang pinagdaanan ni Alfred Vargas bilang isa sa mga mermen ng nasabing telefantasya.

May buntot din si Alfred na gumaganap bilang si Erebus, ang merman na lihim na umiibig kay Dyesebel (Marian Rivera)

Markado at importante ang role niya dahil magiging karibal siya ni Dingdong Dantes (Fredo) na isang tagalupa na iibigin ni Dyesebel.

Pang-leading man din naman ang porma ni Alfred Vargas. Maganda ang kanyang tindig at well-proportioned ang kanyang katawan na alagang-alaga dahil sa regular exercise.

Hardworking at napakapropesyonal din sa trabaho ng aktor at magaling makisama sa kanyang mga stars. Nagsisikap siyang mapatatag ang kanyang stature as good actor kaya lahat ng klaseng role ay kanyang tinatanggap at sinusubukan.

Never siyang naging cause of delay sa anumang programa na kanyang tinanggap. Big or small role ay okey lang sa kanya. Kaya, inaalagaan din siya ng Kapuso Network at hindi nawawalan ng project. Bukod sa Dyesebel ay napapanood din siya sa Nuts Entertainment.

Plano rin ni Alfred na gumawa ng album this year sa tulong ng composer na si Danny Tan. Aside from acting, may itinatago ring boses si Alfred.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, May 1, 2008.