ANNABELLE RAMA

Tunay namang napakasuwerte ni Richard Gutierrez dahil ang lahat halos ng kanyang pinangarap ay kanyang nakamit, with the help and guidance of her mom na siya na ring tumatayong manager niya.

And of course, dahil pinagsikapan din naman niya nang husto upang iangat ang kanyang career thru hardwork and determination. Nagsikap si Chard, nagpagod at nagpuyat sa taping ng kanyang mga nilabasang fantaserye sa GMA-7.

Taon din ang binilang bago siya naging ganap na aktor at pinagkatiwalaan ng malalaking projects ng Kapuso Network at binigyan ng pagkakataong magbida sa pelikula.

Dedicated at napakapropesyonal ni Richard sa trabaho. Never itong nagdemand at nag-feeling sikat sa set. In fact, tulad ng kanyang Daddy Eddie, napaka-humble nito, mabait at ma-PR sa lahat, ultimo sa mga utility boys.

Kahit na hindi kasama ang kanyang Mommy Annabelle, kayang humarap ni Richard sa mga entertainment press. Kahit may isyung dapat sagutin, maayos niyang naidedepensa ang kanyang sarili. Hindi scripted ang kanyang sagot.

Kaya naman, ginagawa rin ni Annabelle Rama ang lahat upang ma-inspire pa si Richard sa pagtatrabaho. Nakuha niya si Heart Evangelista para maging leading lady ni Chard sa Codename: Asero na malapit nang mapanood sa GMA-7. Buking kasi ni Annabelle na naging crush ng kanyang binata ang ex-GF ni Jericho Rosales.

Bukod diyan, tinrabaho rin ni Bisaya ang pagtatambal nina KC at Richard sa Valentine Movie ng GMA Films.

Para sa ikaliligaya ng anak, lahat ay gagawin ni Annabelle Rama. Kahit na sabihan pa siyang isang mataray at 'monster mom', still, para sa kapakanan ng kanyang mga anak ay ipaglalaban nang patayan ni Bisaya ang mga ito.

Kailanman, hindi siya papayag na api-apihin at sira-siraan ang pagkatao ng sinuman sa kanyang pamilya. No wonder, na sa kabila ng lahat, mahal na mahal at inirerespeto ng kanyang mga anak si Annabelle.

Patunay ng pagtanaw ng utang na loob sa kanyang mom-manager ay niregaluhan ito ni Chard ng Mercedes Benz at ibinili ng bagong bahay worth millions! Kaya, proud mama ngayon si Annabelle Rama.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa Diyaryong Bulgar, May 26, 2008.