Sino kina Dingdong Avanzado, Jay Manalo, Rudy Hatfield, Duncan Ramos at Erik Santos? POSITIVE, ISA SA MGA NAGING BF NI RUFA MAE QUINTO, BADING!
GULAT ang naging reaksiyon ni Rufa Mae Quinto nang "lie" ang naging resulta sa tanong sa kanya sa Don't Lie To Me segment kahapon ng Showbiz Central na sa mga naging boyfriends niya ay may pinagdududahan ba siyang bading?
"No" ang naging sagot ni Rufa Mae, at taliwas nga ru'n ang lumabas sa lie detector test.
Kaya, tiyak na mabubuhay na naman ang paulit-ulit na lang na intrigang isa talaga sa mga naging boyfriends ni Rufa Mae ay pinagdududahan ang gender.
Sino nga kaya kina Dingdong Avanzado, Jay Manalo, Rudy Hatfield, Duncan Ramos at Erik Santos ang tinutukoy sa lumabas sa lie detector test?
Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T., sa Diyaryong Bulgar, May 26, 2008.






0 comments:
Post a Comment