At least daw du'n, walang nakakakilala sa kanila...KORINA SANCHEZ AT MAR ROXAS BUMABALIK-BALIK SA TATE PARA MAG-LOVING-LOVING

VERY Ogie Alcasid-Regine Velasquez pala ang love story nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez na mas komportable sa Amerika holding hands while walking, nanonood ng sine roon at minsa'y nagbabasa lang nang magkatabi.
Sa US nga naman, walang nakakakilala sa kanila para pag-usapan at pagtsismisan. Although hindi naman talaga itinatago ang kanilang relasyon, kumbaga, mas kampante lang sila sa mga kilos nila kapag sila'y nandu'n.
"Siguro kasi, nagsimula abroad 'yung aming pagde-date, e. Tapos, walang nakakakilala sa amin doon. Tapos, bumabalik-balik kami roon..." bungad na kuwento ni Sen. Mar Roxas sa aming tsikahan.
Pero kahit naman daw dito sa 'Pinas, open sila sa kanilang relasyon na five years na pala. "Kung ano naman ang nakikita ng publiko sa amin, 'yun 'yung totoo rin lang sa amin. Hindi naman 'yung iba in public at iba rin sa pribado," dagdag pa ng pulitiko na boyfriend ni Ate Koring.
Kinikilig kami sa kuwento ni Mr. Palengke nang usisain ng press tungkol sa kanilang lambingan ni Madamme Ko-rina. "Hennie", as in malambing pa sa honey ang term of endearment ni Senator Mar sa kanyang last love na si Korina.
Samantala, pinabilib din kami ng public servant sa kanyang naisip na recession meal sa tulong ng kanyang pinsang chef, especially ni Ms. Margarita Flores, na kasya sa pamilyang may 6 members pero mura at masustansiya pa, ang Sosi Kaldereta at ang instant nutri pansit na talaga namang bonggang-bongga!
We'll let you know of this menu in the next days here in our column. At marami pang tsiking kakakilig about Sen. Mar and Ms. K! So there.
Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 28, 2008.






0 comments:
Post a Comment