BLIND ITEM: Kaya hiniwalayan ng romantikong labs...KSP AT GIMIKERANG AKTRES, HAYSKUL PA LANG BUMIBILI NA NG LALAKI

BLIND ITEM: KSP, kulang sa pansin, kung tawagin ng kanyang mga dating kaklase sa high school ang isang aktres na nangarap na magningning nang husto ang kanyang bituin pero paandap-andap na popularidad lang ang kanyang natamo.
Kahit daw nu'ng mga estudyante pa lang sila sa high school ay kulang na sa pansin ang aktres, marami na siyang ginagawang kalokohan, para lang siya makanakaw ng atensiyon ng kanyang mga kaeskuwela.
"Artistahin na talaga siya kahit noon pa. Talagang maarte na siya. Gumagawa na talaga siya ng mga paraan noon para maging bida siya sa school," simulang kuwento ng aming impormante.
Meron daw heartthrob noon sa kanilang school, marami raw nagkaka-crush sa binatang balikbayan, isa sa mga 'yun ang aktres na mahilig mang-agaw ng atensiyon.
"Basta alam niyang nasa paligid lang 'yung guy, kung anu-anong kaartehan ang mga pinaggagagawa niya. Mahilig din siyang magregalo, ibinibili niya ng food 'yung lalaki, ipinabibigay niya sa mga kaklase namin.
"Natural, mapapansin nga naman siya nu'ng guy, nasa kanya na ang atensiyon nu'ng tao, dahil idinaan na niya sa pagreregalo ang laban. Nu'ng minsan namang may maging crush siyang guwapo rin dahil ganu'n naman talaga ang type ni ya, talagang lantaran ang pagpapakita niya ng motibo.
"Kapag flag raising ceremony na namin at alam niyang malapit lang sa kanya 'yung guy, emote siya nang emote. Tatabihan niya talaga 'yung guy, maghihilu-hiluan siya, kuha nga naman niya 'yung atensiyon ng tao!
"Ganu'n siya, gimikera na siya kahit noon pa, sinasadya niyang gawi ang lahat para lang siya makakuha ng attention dahil KSP nga siya!" kuwento pa rin ng aming source.
Ang aktres na ito ay nakarelasyon ng isang magaling na aktor, nagtagal din naman sila, pero nauwi rin sa wala ang kanilang pagmamahalan.
Sabi ng panibago na naming impormante, "Marami kasi siyang kaeklayan sa buhay, marami siyang kuwento ng kababalaghan, kung seseryosohin mo ang mga sinasabi niya, baka pati ikaw, maging KSP na rin.
"Kapag paalis na ang karelasyon niya, bigla siyang magsasalita. 'Huwag ka munang aalis, parang may nakita akong mangyayari sa iyo.' Natural, matatakot naman si _____ (pangalan ng karelasyon ng aktres), hindi na muna aalis 'yung tao.
"Kung minsan naman, sasabihin ni ______(pangalan ng aktres), nanaginip daw siya, nakita raw niya ang boyfriend niya na duguan. Hindi raw niya alam kung ano'ng nangyari, pero duguan daw 'yung lalaki at parang patay na.
"Nu'ng una, nakikinig pa sa kanya 'yung lalaki, pero nu'ng bandang huli na, hindi na siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ng babae. Weird na ang dating sa kanya nu'ng girl at dahil sa sobrang pagka-weird, humiwalay na 'yung guy sa kanya," kuwento ng aming impormante.
May kani-kaniyang buhay na sila ngayon nu'ng lalaki, may girlfriend nang nagkokontrabidang aktres 'yung guy, 'yung babae naman, meron na ring bagong boyfriend na siguradong sa ngayon, nawiwirduhan na rin sa kanyang mga drama.
Hirit pa ng aming source na may kakambal na clue, "Sayang ang relasyon nila, malambing pa naman 'yung guy, romantiko talaga siya at mabait pa," sabi nito.
May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?
Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 28, 2008.






0 comments:
Post a Comment