BLIND ITEM: POSITIBO ang reaksiyon sa sikat na actor sa ipinakitang suporta sa kanyang anak. Hindi siya nagmukhang bolero dahil tinupad niya ang sinabing dadalo sa importanteng okasyon ng kanyang dyunakis.

At least, hindi sasabihin ng ina ng kanyang anak na ginagamit lang ang 'baby' nila para sa publicity nito.

Sincere naman kasi ang aktor na bumawi sa anumang pagkukulang niya sa kanyang anak.

Marami ang nakikisimpatya sa ginawa ng aktor na dumating at hindi nagreklamo kahit inilagay siya sa isang lugar na bilang na bilang ang mga personalidad na kasama. Maraming naawa sa aktor dahil para naman siyang api nu'ng gabing 'yun.

Pero wala namang insecurities at bigat ng loob ang aktor sa nangyari. Basta't nandoon siya para sumoporta sa kanyang pinakamamahal na anak.

Pampalubag-loob na lang siguro sa aktor na nagtatalon ang anak niya nu'ng makita siya at mahigpit silang nagyakapan.

'Yun na!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 28, 2008.