BIYENAN

BLIND ITEM: ANO kaya ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob ng isang aktres sa kanyang anak? Marami silang magkakapatid, pero bukod-tanging sa kanya lang nawalan ng interes ang kanyang nanay, ano nga kaya ang dahilan sa likod ng kuwentong ito?

Hindi namin alam na may ganu'n pala kalalim na problema sa pagitan ng mag-ina, ang akala nami'y wala lang silang komunikasyon, pero talaga palang ayaw kausapin ng nanay ang kanyang anak ayon sa isang mapagkakatiwalaan naming source.

"Kapag iniinterbyu siya, ang palagi niyang sinasabi, hindi raw sila nagkakausap ng mommy niya. Ang naiisip tuloy ng marami, napakairesponsable naman ng nanay niya, dahil taon na pala ang binibilang ng kawalan nila ng communication.

"Pero alam niya kung bakit ayaw siyang kausapin ng mommy niya, huwag na siyang nagpapaka-martyr pa, siya mismo ang nakakaalam kung ano ang totoong problema nilang mag-ina," simulang kuwento ng aming impormante.

Ang problema ay nagsimula sa isang text message na ipinadala ng anak sa kanyang ina na may kataliman ang mga salita, ayon sa aming source, ang akala raw yata ng anak ay magkasing-edad lang sila ng kanyang nanay kaya ganu'n kung pagsalitaan niya ito.

"Nakakagulat ang mga salita niya, matitindi talaga ang mga ginamit niyang terms sa text message niya. Ewan kung lasing na lasing siya nu'ng i-text niya ang nanay niya.

"Mahilig kasi siyang maglasing, kapag lasing na lasing na siya, wala na yata siyang alam sa mga pinaggagagawa niya, kaya nagalit ang nanay niya sa kanya.

"Mula noon, hindi na ine-entertain ni _____ (pangalan ng aktres na nanay ng may kabataan pang aktres) ang mga calls niya! Makita pa lang niya ang number ng anak niya, tumataas na ang kilay niya. Masakit naman kasi talagang magsalita ang babaeng 'yun, parang siya pa ang nagpalaki sa nanay niya kung umasta siya at magsalita!" karugtong na kuwento pa rin ng aming impormante.

Ang ibang anak daw ng aktres ay kinakausap nito, pinapunta pa nga ng aktres ang iba nitong anak sa bansa kung saan ito nandu'n ngayon, puwera lang ang isa na kinaiinisan na nito ngayon.

"Alam n'yo bang may kabastusan ang babaeng 'yun? Sumosobra na ang katarayan niya, samantalang kung titingnan mo siya, parang maamo siyang kordero at parang kaawa-awa siya.

"Huwag kayong magpapadala sa mga sinasabi niya, maldita ang babaeng 'yun, kaya tingnan mo, hanggang ngayon, inis na inis pa rin sa kanya ang biyenan niya!

"Puwedeng effect lang ang drama niya, pero kung mag-text ang babaeng 'yun, parang bawal nang magsalita kinabukasan sa sakit ng mga terms na ginagamit niya sa text," kuwento pa rin ng aming source.

Buwelta ulit ng aming impormante na may kakambal nang clue, "Kailangan po ba naman natin ng himala para lang mahulaan n'yo kung sino ang malditang anak ni (pangalan ng aktres)?"

May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 29, 2008.