SA panayam ng The Buzz last Sunday kay Marjorie Barretto, bagama't tumanggi ang aktres na i-reveal kung ano talaga ang cause ng hiwalayan nila ni Dennis Padilla, naging dahilan naman ito para mas maging curious ang marami dahil na rin sa mga binitiwan niyang pahayag.

Ayon kay Marjorie, pinili niyang manahimik na lang at huwag nang isiwalat pa ang dahilan ng separation dahil gusto niyang protektahan ang dating asawa.

"Mula nu'ng umpisa, I could have out in the open at sabihin kung bakit talaga kami naghiwalay. There was a major setback. Bilang asawa, matiisin naman tayong mga babae. Kahit ano, tatanggapin mo.

"But something happened along the way. Something that was caused by him, na irreversible. As much as I would want to tell you now at maging sa sambayanan, I also want to protect him. Kasi medyo sensitive ang nangyari. Whatever it was, that was the reason kung bakit na-grant 'yung annulment namin immediately," nakakaintrigang pahayag ni Marjorie.

Kung tutuusin ay nakakagulat talaga ang bilis ng paglabas ng resolusyon ng annulment case nina Dennis at Marjorie dahil last year lang sila naghiwalay. Kaya iisipin mong mukhang masyado ngang maselan ang naganap sa kanilang dalawa para ganu'n kabilis mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Anyway, from the looks of it ay pinagsisisihan naman ni Dennis kung anuman ang nagawa niya pero si Marjorie na nga rin mismo ang may sabi na it's something irreversible kaya humantong ang lahat sa annulment.

Gayunpaman ay humingi rin ng sorry sa kanya si Marjorie for not having enough strength to stick it out with him.

"This annulment is only a proof that it's a failure of my marriage and I'm not proud of it. Maybe, I needed somebody to give me strength. Hindi rin niya naibigay 'yun. I'm sorry that he has to go through this problem alone and I wish him well," seryosong sabi ni Marjorie.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 27, 2008.