Konsehal at vice-mayor pa lang 'yan...AIKO MELENDEZ AT BF NA SI PATRICK MENESES, PARAMIHAN NG BODYGUARDS

EIGHTY pounds ang nawala kay Aiko Melendez ang sumailalim siya sa slimming process ng Marie France. Pagkatapos mag-guest sa The Buzz noong Sunday, sinabi niya sa amin na unti-unti nang babalik ang kanyang dating kaseksihan.
At ano ang vital statistics niya ngayon?
"'Yung sa bust at waist lang ang puwede kong sabihin, 36-28. Ayoko pang sabihin 'yung hips ko. Pero hindi naman lalampas ng 40."
Kasama ni Aiko ang boyfriend niyang si Patrick Meneses nang araw na 'yun. Marami ring bodyguards kumpara sa kanyang dadalawa lang.
Kung tatakbo siyang vice-mayor ng Quezon City sa next election, hindi pa raw niya masabi.
"Last term ko na as councilor. Tatakbo pa rin ako pero hindi ko alam kung as councilor ulit o ibang position na."
Si Boy Abunda na ngayon ang talent manager niya at may bago siyang project, ang Your Song na eere simula Agosto 31 hanggang sa Setyembre 28. Every Sunday ito before the Buzz.
Halaw sa panulat ni Arthur Quinto sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 29, 2008.






0 comments:
Post a Comment