STILL on Let's Celebrate concert, may balita kaming nasagap na may isang lalaking nahulihan ng baril sa comfort room ng Araneta Coliseum nu'ng rehearsal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, isang araw bago ang mismong event nu'ng Miyerkules nang gabi.

Kaya nu'ng mismong araw ng big event sa Big Dome, sobrang higpit ng security at ipinatupad talaga ang 'no ticket, no entry' policy at marami pang hindi nakapasok na mula sa malalayo pang lugar tulad ng Laguna.

Sayang at nakatakbo ang lalaki at bigla na lang nawala kaya 'di na-identify. Pero dahil sa nangyari, may mga nag-iisip tuloy na may nagtatangka ba sa buhay nina Dingdong at Marian?

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 29, 2008.