Nakakabulaga! Nawiwili na siya ha? SIKAT NA TV HOST, NAGBANTANG LALAYASAN ANG NETWORK KAPAG 'DI DINAGDAGAN ANG NAKAKALULA NA NIYANG TF

'KALOKAH din ang nabasa namin sa column ng kaibigang Ricky Lo kahapon. Halos giveaway na ang blind item niya, 'no? Tinutukoy niya rito ang isang sikat na TV host na nakikipag-negotiate sa kanyang home studio for a renewal ng kanyang kontrata.
Ayon sa source ng balita, take it or leave it daw ang kondisyon ng naturang TV host. Sabagay may "K" naman ang naturang TV host na mag-demand. Limpak-limpak nga naman na salapi ang naipanhik ng kanyang programa.
Sabi pa ng isang friend namin, sa TFC na lamang, ang laki na ng kinikita ng network na kanyang kinabibilangan.
At 'pag ito namang TV host na ito ang nagbabakasyon for health reasons kuno, tiyak na magiging tagilid ang lagay ng kanyang programa.
Deserving din siya kung anuman ang hinihingi niya. Kitang-kita naman ang effort na ini-exert niya araw-araw. At if ever, kayang-kaya na nitong magbakasyon nang mahaba-habang panahon.
Marami na rin siyang naipon at may mga investments pa on real estate at marami pang iba.
Ang siste lang, sa pagkakaalam namin, 'di ito mabubuhay kung wala siya sa showbiz. Kaligayahan niya na ang pagiging exposed sa tao at ang makatulong sa mga nangangailangan.
Sino siya? Your guess is as good as ours.
Halaw sa panulat ni Len Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar, August 29, 2008.






hi!link na po kita..maraming salamat..nkktuwa namn ang blog mo.
janz said...palitan na lang yan ni randy santiago mas magalang pa at hindi mayabang!!!!!!!go randy santiago for wowowee!!!
Anonymous said...tama ka dyan kahit may tfc ako nood ako ng eat bulaga sa pinoy tv pero pag may guest host sila like john loyd and randy santiago nood ako ng wowowee........
Anonymous said...kawawa naman ang maid namin kapag nawala si willy sa wowowee...
Anonymous said...pero ok sa akin yun atleast nakapatay na yun t.v. ng maid namin kapag nawala si willy... eat bulaga na lang ang panonoorin din nya... hehehehe